Thursday, May 26, 2011

RH Bill, Tinginang Views

napakauso naman talaga ng issue na to sa Pilipinas. sa pagka uso nya eh bukambibig na to ng karamihan. eh bakit ba kasi kelangan pang pag awayan? Ano nga ba ang meron sa RH Bill at bakit napakainit nito sa mata ng simbahan? yayaman ba ang Pilipinas pag naipasa ito? at bakit kabila kabilaan ang mga rally? wala bang trabaho ang mga nagrarally? eh hindi ko rin alam ang kasagutan dyan at kaya ko nga tinatanong. 
Tayo daw ay nasa ika-12 bilang may pinakamataas na populasyon sa buong mundo.. naks naman.. barako talaga ang mga pinoy. sibak lang ng sibak men. Kailangan ba talaga ng pagpaplano? hindi rin naman.. sumikip lang naman ang mga LRT at mga MRT kumpara noon. higit lang naman na dumoble ang bigat ng trapiko sa mga lansangan natin. dumami na rin ang reregaluhan ng mga ninong at ninang.. actually dumami ang mga nagtatagong ninong at ninang dahil dumami ang tinataguang bata tuwing pasko. ay hindi ko talaga alam yan. buti pa.. eto na lang RH Bill este RH Beer.. spelling lang ang nagbago pero pahayag nito, Ito daw ang Tama. eh kung yan na lang kaya ang ipasang batas, aba'y sukdulan ang kaligayahan ng mga tambay sa mga kanto. ika nga nila eh Beauty is in the eye of the beholder.. eh pag naka-tira ka nito eh  nagiging chix ang mga di kagandahan. tama di ba? may tama talaga to!
at siguradong walang magrarally kung ito ang ipapasa.. pwera na lamang kung may mga nabitin at tiyak na kilos protesta yon.

Saan ka? sa Bill o sa Beer?

No comments:

Post a Comment