Akalain mo nga naman oh, naglipana ang mga pampasarap sa pagluluto eh kung anu anong sarap ang naiimbento nila.. kesho me dahon, granulated daw na parang tae lang ng kuneho, merong parang nag mumura lang Nam! meron ding basa, merong tuyo at kung anu anupa.. pero nagtaka lamang ako bat nila naisipan ang pangalang ito.
Ang tanong lamang eh.. Bakit Magic? at Anong klaseng Sarap ba yan? at anong Magic na Sarap ba ang dulot nyan? Titirik ba ang mata mo sa sarap kapag ginamit mo ito? bakit parang tae ng kuneho ang mga butil nito? bakit maarte dapat ang pamamaraan ng paglagay sa lutuin? ay andaming tanong?! pero di ko pa rin lubos maisip, bakit kaya tila natalo ang number one nitong kalaban.. yung may damo daw na parang ginupit na green art paper lang naman ang sangkap. hindi kaya dahil sa hindi ito parang tae ng daga? aba ewan ko..
Masarap daw ang bawal.. eh kung may Sarap na dala ito edi dapat ipagbawal ang paggamit nito. samakatuwid, lahat ng gagamitan ng mga sarap sarap na yan ay bawal.. eh bat di na lang kaya ito ang gamitin sa pagluluto? eh at least hindi bawal.. at walang kung anu anong magic. isipin mo magsasaing ka, papatakan mo lang nito, wala nang kaartehang posisyon ng kamay. at balita ko eh.. nakakapagpatirik pa daw ito pag naparami. Pwede to sa itlog, sinaing , sinangag, sopas at kung anu ano pa..
so, Anong sarap ba ang hanap mo?
P.S. latest addition pala si Carla Abellana sa mga gumagamit ng magic sarap sa napaka-arteng pamamaraan.
No comments:
Post a Comment