Sunday, May 29, 2011

Flop-Serye

habang naglilipat ako ng channel sa telebisyon ay napanood ko ang isang teaser para sa isang bagong "Epic Serye" na kanilang sinasabi, ang Amaya. napaka-Orihinal ang konsepto nito, parang katulad lang ng konsepto ng Dyosa na hindi lang nagiging kabayo o ibon. Maganda rin ang mga kasuotan ng mga artista at parang magmagpapa picture lang sa mines view. sa lahat ng ads nito, ito ang napansin ko
kung sino man ang nakaisip nito ay napakahusay, dahil binigyan nya ng pahiwatig ang mga manonood dahil sa mga ratings na kanyang ipinakita. eh akalain mo ba naman na pababa ung ratings! ang mga gaya gaya nyang serye ng Marimar 40.3%,  sinundan ng dyesebel sa 39.8 at ang Darna nya sa 34.4%  ano kayang susunod? 30? o mas mababa? habang ang sa katapat na palabas ay pataas ang ratings 21.4% na sinundan ng 23.4% at 28.5.. tsk tsk tsk.... un eh sinasabi ko lang naman.. 
Sa kapanapanabik daw ang palabas na ito,  pero may mas kapanapanabik ba yan kesa dito? eh mantakin mo nga naman si pacman pang glee na.. makikipag biritan din kaya siya sa mga casts ng glee? gaganap ba siyang ama ni sunshine corazon? susuntukin niya kaya ang mga wlang lisensyang kumanta tulad niya?

alin sa palagay mo ang sasablay?

Saturday, May 28, 2011

Matigas ang ulo

Ilang ulit na ring sumasablay ang pagasa sa kanilang mga weather forecast. kumusta naman ang kredibilidad nila? hindi kaya maskapani paniwala pasi Madam Auring kesa sa kanila? bakit nila gustong mag landfall si chedeng sa pilipinas? bakit ayaw mag landfall ni chedeng sa Pilipinas? nitong nakaraang araw eh nagpahayag ang  JMA ng Japan na hindi daw mag lalandfall itong si chedeng sa pinas. naks! tama! na hindi sinangayunan ng pagasa hahay!. hindi ko lang maintindihan kung ang pagasa ba'y may kagamitan upang matunton ang lagay ng panahon o di kaya'y talagang idol lang nila si madam. maari kayang palitan ang pangalan  pagasa ng hula? o kaya'y chamba.. at pede ring ahem.. pagnanasa.. haha wtf bat ko ba naisip yun.
Matigas nga ba? ang ulo? nila? bat andami kong "?" eh kung patigasan lang naman pala ng ulo eh.. alin ba ang mas matigas ang ulo? e hindi kaya mas matigas ang ulo ng tinutukoy niya? ha? ano sa tingin nyo? ha? ha? ano ba tinutukoy niya? ha? ha? ano?  


Alin ang may mas matigas na ulo?

Friday, May 27, 2011

Mahangin si Chedeng

Ayon sa weather forecast, si Chedeng daw ay Typhoon na at lumihis daw ito ng direksyon. Gratz Chedeng! ambilis mong lumakas. sa lakas mo eh andaming nakanselang flights, andami ring di nakapag hanapbuhay, andami ring nakaligo sa wakas, andami ring nkalusot sa mga bad hair days nila. achievement yun ha. pero hindi kaya charing si chedeng at ayaw niyang dumapo sa mga bulubundukin ng luzon? Mahangin ba si chedeng? di kasi umaabot ang angas mo dito sa metro manila eh. pero meron akong nakitang maangas at kung meron ka nito? Mahangin ka tiyak yan. eto yon.  
Alin ang mas Mahangin?

Thursday, May 26, 2011

RH Bill, Tinginang Views

napakauso naman talaga ng issue na to sa Pilipinas. sa pagka uso nya eh bukambibig na to ng karamihan. eh bakit ba kasi kelangan pang pag awayan? Ano nga ba ang meron sa RH Bill at bakit napakainit nito sa mata ng simbahan? yayaman ba ang Pilipinas pag naipasa ito? at bakit kabila kabilaan ang mga rally? wala bang trabaho ang mga nagrarally? eh hindi ko rin alam ang kasagutan dyan at kaya ko nga tinatanong. 
Tayo daw ay nasa ika-12 bilang may pinakamataas na populasyon sa buong mundo.. naks naman.. barako talaga ang mga pinoy. sibak lang ng sibak men. Kailangan ba talaga ng pagpaplano? hindi rin naman.. sumikip lang naman ang mga LRT at mga MRT kumpara noon. higit lang naman na dumoble ang bigat ng trapiko sa mga lansangan natin. dumami na rin ang reregaluhan ng mga ninong at ninang.. actually dumami ang mga nagtatagong ninong at ninang dahil dumami ang tinataguang bata tuwing pasko. ay hindi ko talaga alam yan. buti pa.. eto na lang RH Bill este RH Beer.. spelling lang ang nagbago pero pahayag nito, Ito daw ang Tama. eh kung yan na lang kaya ang ipasang batas, aba'y sukdulan ang kaligayahan ng mga tambay sa mga kanto. ika nga nila eh Beauty is in the eye of the beholder.. eh pag naka-tira ka nito eh  nagiging chix ang mga di kagandahan. tama di ba? may tama talaga to!
at siguradong walang magrarally kung ito ang ipapasa.. pwera na lamang kung may mga nabitin at tiyak na kilos protesta yon.

Saan ka? sa Bill o sa Beer?

Wednesday, May 25, 2011

Sumabit sa Nota

Bago ilabas ang sequel na siguradong inaabangan ng sandamakmak na haters worldwide eh pansinin muli natin ang papampam na worst song ever daw na inihatid ni Rebecca Black. silipin nating muli ang video eto sya at konting paunawa medyo bawasan natin ang pagunawa sa kanta upang di maperwisyo, uminom ng isang garapong stresstabs bago i-play ang video at huminga muna ng malalim
kumusta ka naman ngayong narinig mo na uli sa wakas ang kantang to na may 148 million views na sa youtube at 90% dito ay dislikes. akalain mo, ngayon alam mo na ang pagkakasunodsunod ng araw sa isang linggo diba mahusay yun? Ewan ko lang ha, naubusan na ba ng mga mahuhusay na composers sa amerika at ganito na ang mga nagagawang kanta? nasa impluwensya kaya ng droga ang kompositor nito? katol kaya? o rugby? maganda na sana eh.. kaso hindi talaga..

Eh kung pasagwaan na rin lang naman pala ng kanta eh subukan mo to. maganda rin tong kantang to ha.. malakas ang laban nito kay rebecca. kumbaga eh runner-up to. akalain mo eh ang kanta mo eh tungkol sa mga nota at titik.. aba'y napakahusay nito.. buong kanta eh puro sambitan lang ng mga nagbabagang nota at titik ang maririnig mo. gusto nya daw kasi ang nota at titik mo. eh anong klaseng nota ba ito?mataas ba o mababa? at anong titik naman ang gusto nya? titik T ba?  pero napansin ko sa larawan na ito na Malaki ang Nota.. 

kaninong nota at titik ng kanta ang mas kaya mong tagalan?

Tuesday, May 24, 2011

Sarap mo talaga!

Akalain mo nga naman oh, naglipana ang mga pampasarap sa pagluluto eh kung anu anong sarap ang naiimbento nila.. kesho me dahon, granulated daw na parang tae lang ng kuneho, merong parang nag mumura lang Nam! meron ding basa, merong tuyo at kung anu anupa.. pero nagtaka lamang ako bat nila naisipan ang pangalang ito.
Ang tanong lamang eh.. Bakit Magic? at Anong klaseng Sarap ba yan? at anong Magic na Sarap ba ang dulot nyan? Titirik ba ang mata mo sa sarap kapag ginamit mo ito? bakit parang tae ng kuneho ang mga butil nito? bakit maarte dapat ang pamamaraan ng paglagay sa lutuin? ay andaming tanong?! pero di ko pa rin lubos maisip, bakit kaya tila natalo ang number one nitong kalaban.. yung may damo daw na parang ginupit na green art paper lang naman ang sangkap. hindi kaya dahil sa hindi ito parang tae ng daga? aba ewan ko..

 Masarap daw ang bawal.. eh kung may Sarap na dala ito edi dapat ipagbawal ang paggamit nito. samakatuwid, lahat ng gagamitan ng mga sarap sarap na yan ay bawal.. eh bat di na lang kaya ito ang gamitin sa pagluluto? eh at least hindi bawal.. at walang kung anu anong magic. isipin mo magsasaing ka, papatakan mo lang nito, wala nang kaartehang posisyon ng kamay. at balita ko eh.. nakakapagpatirik pa daw ito pag naparami. Pwede to sa itlog, sinaing , sinangag, sopas at kung anu ano pa.. 

so, Anong sarap ba ang hanap mo?

P.S. latest addition pala si Carla Abellana sa mga gumagamit ng magic sarap sa napaka-arteng pamamaraan.

Monday, May 23, 2011

Saan kayo mag de-date?

Sa aking paglilibot sa kalakhang maynila ay nasusulyapan ko ang mga naglalakihang billboards ng mga sikat na artista hanggang sa mga feeling sikat na artista... may mga models at meron ding mga feeling models. may mataba, payat, malaki, maliit, matambok, mahaba, maikli, maitim, matigas, madulas at kung anu ano pang klase ng mga billboards. Isa sa mga nakita ko na naka tawag ng aking pansin ayang mensahe na ipinahatid ng sikat na pahingahan -->
Pahingahan, oo dahil puro halinghing at hingahan lamang ang kadalasang naririnig jan.. yun eh sabe sabe lang naman. aba malay ko kung totoo. Nakalagay sa kanilang billboard na "Kung Special sayo, i-Victoria Court Mo". naks naman.. anong klaseng special ba yan? special ice cream? special chicharon, special hotdog? at ano naman ang maaaring gawin sa special na yan? hingahan ang ice cream, halinghingan ang hotdog.
Kung sino man ang nakaisip nitong linya na ito eh.. napaka paliguy ligoy naman...  at bakit hindi na lang ganito

o diba? kung palakasan ng loob din lang pala ang labanan eh.. mukhang llamado ang inn na ito.. akalain mo eh ayan na. nkabulagta na ang motibo..

Girl: Hon san tayo mamamasyal?
Boy: Dito na lang tayo mag kainan.. i mean...
        kumain sa MAHAL KITA.. kasi..
        alam mo na... yun na yon.
Girl: ayy.. love mo ko talaga..

O, di ba? pasok di ba? swak sa banat.
mas matipid pa.. at wala pang hidden camera. syempre narinig ko rin lang yan na meron daw.

o san nga kayo magde-date?