Wednesday, May 25, 2011

Sumabit sa Nota

Bago ilabas ang sequel na siguradong inaabangan ng sandamakmak na haters worldwide eh pansinin muli natin ang papampam na worst song ever daw na inihatid ni Rebecca Black. silipin nating muli ang video eto sya at konting paunawa medyo bawasan natin ang pagunawa sa kanta upang di maperwisyo, uminom ng isang garapong stresstabs bago i-play ang video at huminga muna ng malalim
kumusta ka naman ngayong narinig mo na uli sa wakas ang kantang to na may 148 million views na sa youtube at 90% dito ay dislikes. akalain mo, ngayon alam mo na ang pagkakasunodsunod ng araw sa isang linggo diba mahusay yun? Ewan ko lang ha, naubusan na ba ng mga mahuhusay na composers sa amerika at ganito na ang mga nagagawang kanta? nasa impluwensya kaya ng droga ang kompositor nito? katol kaya? o rugby? maganda na sana eh.. kaso hindi talaga..

Eh kung pasagwaan na rin lang naman pala ng kanta eh subukan mo to. maganda rin tong kantang to ha.. malakas ang laban nito kay rebecca. kumbaga eh runner-up to. akalain mo eh ang kanta mo eh tungkol sa mga nota at titik.. aba'y napakahusay nito.. buong kanta eh puro sambitan lang ng mga nagbabagang nota at titik ang maririnig mo. gusto nya daw kasi ang nota at titik mo. eh anong klaseng nota ba ito?mataas ba o mababa? at anong titik naman ang gusto nya? titik T ba?  pero napansin ko sa larawan na ito na Malaki ang Nota.. 

kaninong nota at titik ng kanta ang mas kaya mong tagalan?