Sunday, May 29, 2011

Flop-Serye

habang naglilipat ako ng channel sa telebisyon ay napanood ko ang isang teaser para sa isang bagong "Epic Serye" na kanilang sinasabi, ang Amaya. napaka-Orihinal ang konsepto nito, parang katulad lang ng konsepto ng Dyosa na hindi lang nagiging kabayo o ibon. Maganda rin ang mga kasuotan ng mga artista at parang magmagpapa picture lang sa mines view. sa lahat ng ads nito, ito ang napansin ko
kung sino man ang nakaisip nito ay napakahusay, dahil binigyan nya ng pahiwatig ang mga manonood dahil sa mga ratings na kanyang ipinakita. eh akalain mo ba naman na pababa ung ratings! ang mga gaya gaya nyang serye ng Marimar 40.3%,  sinundan ng dyesebel sa 39.8 at ang Darna nya sa 34.4%  ano kayang susunod? 30? o mas mababa? habang ang sa katapat na palabas ay pataas ang ratings 21.4% na sinundan ng 23.4% at 28.5.. tsk tsk tsk.... un eh sinasabi ko lang naman.. 
Sa kapanapanabik daw ang palabas na ito,  pero may mas kapanapanabik ba yan kesa dito? eh mantakin mo nga naman si pacman pang glee na.. makikipag biritan din kaya siya sa mga casts ng glee? gaganap ba siyang ama ni sunshine corazon? susuntukin niya kaya ang mga wlang lisensyang kumanta tulad niya?

alin sa palagay mo ang sasablay?